Press "Enter" to skip to content

Isang Lalaki, Ang Nagmamadaling Umuwi Ng Kanilang Bahay Upang Surpresahin Ang Asawa Sa Kaarawan Nito Ngunit Siya Ang Nasurpresa Ng Malaman Niyang May Kalaguyo Ito

Nagmamadaling umuwi si Anton mula sa kaniyang trabaho.

Kaarawan kasi ng kaniyang asawang si Jane, at may inaantang siyang cake na paparating sa kanilang bahay bilang kaniyang surpresa para rito.

Sa kakamadali pa nga ay muntik pa siyang mahagip ng isang traktora na rumaragasang dumating sa kaniyang direksyon.

Photo from Google

Ngunit sa kabutihang palad ay nakaabot siya ng bahay. Hinihingal man ay agad pumasok si Anton sa loob upang masiguradong hindi pa dumarating ang cake na kaniyang inorder.

Sakto, sa isip-isip nito, dahil naunahan niya ang pagdating ng kaniyang sorpresa para sa misis.

Ngunit bago pa siya makapasok sa living room ay may isang hindi kilalang boses ang nagpahinto sa kaniyang mga yapak.

Photo from Google

At malinaw na malinaw na nakikipag usap ito kay Jane, at kinukumbinsi ang babae na hiwalayan siya!

Masakit man ay nanatiling tahimik si Anton habang nakikinig siya sa pakikipag usap ng asawa sa hindi kilalang lalaki na nakumpirma niyang kalaguyo ng misis.

At noong magtatangka nang umuwi ay lalaki ay dali-dali niyang hinarangan ang pinto, ngunit lubos ang kanyang pagkabigla noong bigla na lamang tumagos ang lalaki sa katawan niya mismo!

Naguguluhan ay sinubukan niyang sumigaw, ngunit imbis na boses niya ang marinig ay malakas na tunog ng telepono ni Jane ang umalingawngaw sa kwarto.

Photo from Google

Maya-maya pa ay nag huhurimintado na ang ginang, habang sinasambit ang mga salitang, “Ang asawa ko!’

Doon ay unti-unting napag tanto ni Anton na ang inakala niyang traktorang naiwasan niya ay siya pala mismong naging dahilan kung bakit niya matatagpuan ang sarili niya sa ospital, ilang araw ang makalipas.

Sa sobrang pagka konsensya ni Jane ay agad niyang hiniwalayan ang kaniyang kalaguyo at ipinangakong iaalay ang kaniyang buong puso sa asawa sa oras na magising si Anton mula sa kaniyang pagkaka comatose.

Photo from Google

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *